Heidelberg Catechism Lord's Day 8 (Questions 24-25)
May 25, 2024 ·
1h 17m 11s
Download and listen anywhere
Download your favorite episodes and enjoy them, wherever you are! Sign up or log in now to access offline listening.
Description
Question 23: Anu-ano ang mga artikulong ito [na kailangang paniwalaan ng isang Cristiano]? I. (1) Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa. II....
show more
Question 23: Anu-ano ang mga artikulong ito [na kailangang paniwalaan ng isang Cristiano]?
I. (1) Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa.
II. (2) Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo, Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; (3) na ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si Maria, (4) nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno; (5) sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; (6) umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; (7) mula roon ay babalik Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay.
III. (8) Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu, (9) sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, (10) sa kapatawaran ng mga kasalanan, (11) sa muling pagkabuhay ng katawan, (12) at sa buhay na walang hanggan. Question 24: Paano nahahati ang mga artikulong ito? Sa tatlong bahagi: ang una ay patungkol sa Diyos Ama at ang ating pagkalikha; ang pangalawa ay patungkol sa Diyos Anak at ang ating kaligtasan; ang pangatlo ay patungkol sa Diyos Espiritu Santo at ang ating pagiging banal.
Question 25: Kung iisa lang nga ang Diyos, bakit may binabanggit kang tatlong persona, Ama, Anak, at Banal na Espiritu? Sapagkat sa ganitong pamaraan ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang Salita: ang tatlong magkakaibang mga persona na ito ay Siyang nag-iisa, tunay at walang pasimula’t walang hanggang Diyos.
show less

Information
Author | Treasuring Christ PH |
Organization | Treasuring Christ PH |
Website | - |
Tags |
-
|
Copyright 2024 - Spreaker Inc. an iHeartMedia Company